Wednesday, July 22, 2009

inspiring letter

"SULAT NI NANAY AT TATAY"


Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. kapag dala ng kalabuan ng mata at nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa kapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Madamdamin ang isang matanada. Nagse-self pity ako tuwing sisigawan mo ako.


Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo sana akong sabihan na bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang, pasensiya ka na, anak. Matanda na talaga ako.


Kapag mahina na ang tulad ko, pagtiyagan mo sana akong tulugang tumayo, katulad n pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka palang lumakad.


Pagpasensiyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit na pauli-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo’ yung sasabihin maghapon kang mangugulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagan ko ang kakulitan mo.


Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy, amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong paliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Mdaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.


Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala ng marahil ito, ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.


Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa buhay... maghapong nag-iisa... walang kausap... Alam kong busy ka sa trabaho.


Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento sa iyong teddy bear.


At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpsensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong lagaan sa mga hilung sandali ng aking buhay. Total hindi na naman ako magtatagal.


Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana aking mga kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.


At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyas na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana... Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina.


Nagmamahal,
Nanay at Tatay

2 comments:

  1. I would like to thanks to the rockista group for this wonderful and inspiring story.

    ReplyDelete
  2. I hope that this simple blog that I've share to all of us would create a good impact to our families.

    ReplyDelete